Tuesday, July 25, 2006

peripheral vision

Hindi ko maintindihan.
Naguguluhan na talaga ako ng sobra.
Hindi lang ako sa subject na ‘to natatanga kundi pati sayo.
Ngayon lang tayo nagging magkaklase.
Ganito pa.
Ba’t ka ba naman kasi tingin ng tingin saken.
Yung mga tingin mo pa, may laman.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka may gusto ka saken.
Oo, alam ko, hindi ako kagandahan kumpara sa nakararami lalo na sa mga housemates ko.
Pero ewan ko ba, para san ba yung mga tingin na yon?
Nung una, gusto kong isipin na baka may kamukha lang ako na kakilala mo.
Pero hinde,… malisyosa kasi ako.. feeling pa.
Bakit ba kasi mapalingon lang ako ng konti sa likuran, mga titig mo ang nasa peripheral vision ko?
May mga instances naman na ako muna ang tumitingin para tignan kung sumusulyap ka ba…
But no, saka ka lang napapatingin pag nilingon kita.
Napraning tuloy ako na baka akalain mong ako ang may gusto sayo.
Kaya hindi ko na ginawa pa yon.
Hinayaan ko na lang ang aking peripheral vision natapos ang trial-and-error ko sayo sa nagdaang apat na meeting ng klase.

Nung unang tatlong meeting, lalo na nung pangalawa halatang halata ko e…
Di ko lang masyado pinansin pero confused na confused talaga ako nun sayo.

Bago naman nung pangatlong meeting, medyo tumambay ako sa lobby ng building nun dahil andun yun orgmates ko
Ayun…
Confused ako…
Pano ba naman kasi…
May lalaking nakapula ang tumitingin saken.
Hindi ko kilala dahil hindi pamilyar ang mukha nya.
Nagyoyosi pa nga e.
Ewan ko ba…
Sinusundan ako ng tingin.
Feeling ko nga, may masama pang balak saken dahil sa epekto ng yosi nya.
Yung parang minamanmanan ako.
Yung tipong gusto pa ata akong resbakan.
E nung panahon naming yun, wala pa naman akong atraso sa Upsilon kaya inosente pa ko.
Kaya tuloy…
Umandar na naman ang pagkamalisyosa ko at inisip na baka may gusto saken yung kumag… wakekekeke…
Pero ewan ko ba…
Hindi naman kaakit-akit ang outfit at aura ko nun.
Aminado naman akong ganun.
Inisip ko na rin na malabong may gusto yun saken.
Pero syempre nakakailang talaga na ay nakatingin sayo (meaning: sa aken).
Sigurado rin akong hindi ang mga orgmates ko ang pinupuntirya nya.
San man kasi ako lumikot, nakatingin pa rin sya.
Hindi ko naman magawang tignan ng matagal dahil duwag ako at baka malaman pa nyang feeling ako.
Kaya ayun…
Nagtagu-tago na lang ako sa likod-likod ng orgmates ko.
Napaisip din ako sa kalakasan ng kamandag ko ngayong sem.
Biruin mo, dalawa aagad ang may gusto saken?!
E…
Kailangan din pala nila akong iwan agad.
Ayun, umalis din ako.
Pumunta ako sa CR ng 2nd flr. (pa).
Hoping na sa pagbalik ko, wala na.
Bumalik ako, wala na nga at dumiretso na rin ako sa klase.

Medyo konti pa ang tao pero unti-unti na itong nadadagdagan.
Dumating ka (hindi na ako) naman.
Nakapula ka rin.
Nung una kitang nakita, naisip ko agad…
Kaw yung lalake sa may lobby!
So bale nadagdagan ang pagiging malisyosa ko at mahuhulaan na siguro kung ano ang sumunod na pumasok sa utak ko.
May gusto ka nga sa aken.
Drr…
Pero, pagkatapos ng 6 na oras…
Matagaltagal nang tapos ang klase natin.
Dahil sa hindi ko talaga mamukhaan o maalala ang iba pang detalye ng facial features nung lalake sa lobby, hindi ko na sigurado kung ikawa nga iyon.
Palagay mo?
Unti-unti na rin kasi akong bumobobo ngayon e.
Hindi talaga ako mapalagay…
Nakaka-confuse talaga.

Nahiya pa ako sayo kasi antalino mo.
Lagi kang tinatawag ng titser at nakakasagot din lagi.
Samantalang ako, laging nakayuko at nagdadasal na sana hindi matawag.

Nung next meeting naman, wala naming excitement dahil iniwasan talaga kita at hindi nilingon.
Ewan ko din kung tinignan mo man ako .

Nung sumunod naman, hindi ka talaga tumitingin kahet anong gawin kong lingon.
Pero eniweiz, ok lang naman yun.
Paulit-ulit ko ngang naiisip kung ikaw nga ba talaga yung lalakeng nagyoyosi sa may lobby.
Sa itsura mo din naman kasi, mukha ka naming walang bisyo.
Pero ewan ko pa din ha.
Mabuti na rin nun na hindi mo ko napapansin at mas nalalaman ko ang detalye ng mukha mo.
Para naman makilala kita kung masalubong kita sa kung saan.
Pero nasaktan ako nun kahit papaano.
Dahil unti-unti kong nararamdaman na wala lang ako sayo.
Unti-unti din kitang inaalala (/naaalala).
Saan nga ba kita unang nakita?
Sumagi sa isip ko na baka ikaw yung bf ng isa ko pang kaibigan.
Hindi ko rin kasi matandaan yun(g event na yun).
Bihira ko rin naman kasi syang nakikita na may kasamang lalaki.

Napatunayan ko rin na tama ang kutob ko dahil nakita ko kayong magkasama nitong huli.
Napagpasyahan ko rin naming dapat na kitang kalimutan.
Nakikita ko rin naming masaya kayo sa piling ng isa’t isa.
Tama yan…
Hindi mo na rin ako dapat tinitignan.
Ang gusto ko lang naman talagang malaman ay kung baket mo ba talaga ako tinitignan.
Nevertheless…
Na-labsik pa rin ako sayo..
Badtrip kase..
Sana hindi mo na lang kasi ako tinignan nung una pa lang!



PS:
labsik – hindi naman sa may gusto ako sayo o nadevelop ako or something of that sort… wala lang… nagresult lang sya dahil sa pagka-confuse ko… medyo depressing kasi ang confusion ko… ayoko talagang iniistorbo ang neurons ko.