Wednesday, April 19, 2006

Isang Paghahayag ng Damdamin

mas gusto kita pag nakaponytail ka... nakikita ko ang noo mo at
ang cheekbones mo... pati na rin pala ang hairline mo... syet... ang sexy ng
dating...

pero alam ko namang mas gusto mo ang nakalugay e.
pakiramdam mo siguro, mas astig ka pag ganon. pero ewan ko lang a...
baka nga mas astig ka nga pag ganon... pero da best ka pa rin pag nakatali
yang buhok mo.

kahit ano naman e... kung ano man yang ayos mo.. hindi naman
magababago ang pagtingin ko sayo... pero sana pagsawaan din kita.
ayokong mabaliw na ng tuluyan... nakakahiya sa reputasyon ko. (asus!).

(trivia: tatlong beses muna kitang tinitigan bago ako maenlab sayo)

naaakit ako sa bawat kunot ng noo mo tuwing natatanaw kita...
at natutunaw naman ang dibdib ko sa tuwing pinagmamasadan kita. haay..
gusto ko talaga ang mukha mo lalo na pag galit ka. ang sexy talaga... >:D

hindi naman talaga tayo magkakilala. wala lang, kilala lang kita.
hindi na rin ako umaasang makilala mo pa ko. ayoko rin naman yung
ganun at baka maging close pa tayo... magiging delikado ang buhay mo...
natatakot ako... ma-rape pa kita.

okey naman talaga ako sa ganito... yung andyan ka at ako
naman, andun sa malayo. libre pa ang lahat. wala pang bayad ang
tumingin. wala pang sampal(,sapak at tadyak) sa mga malalagkit na tingin
na binibigay ko sayo.

mukha kang maangas lalo na siguro pag bagong gising... pero
ayos lang naman ang iyong tinig(whataword). mga mababaet lang na tao
ang nagkakaroon ng boses na gaya ng sayo. pero ano nga kaya ang tunay
mong ugali? ewan ko... kahit ano. palagay ko naman na wala ng mas
sasama pa sa ugali ng (demonyong nagpapanggap na) taong kilala ko. bat
ko naman nga pala aalamin kung hindi naman kita gustong makilala.
anyhows, kinikilig ako sa tuwing naiisip ko na mabait ka nga.

alam ko namang marami ring nagpapantasya sayo. hindi lang
ako. baka nga close ka na nung iba e. at malamanglamang lang, marami
kang kaibigan (period). sa iyong giliw at aliw, sa iyong tindig, at sa
pagtindig ng aking mga balahibo na kumakapit sa buo kong pagkatao lalo
na sa aking kalamnan, hindi ko alam kung anong gusto kong sabihin.

lingid sa iyong kaalaman, meron naman tayong pagkakapareha.
pareho tayo ng mundong ginagalawan. pareho nating gusto si layne staley.
at tulad mo, nagluksa rin ako sa pagkamatay nya (nga pala... kakatapos pa
lang ng death anniversary nya no?). meron pa sigurong iba. kung ano pa
man yon, gaya ng mga sinulat ko, sigurado ako (100%), hindi mo naman
mapapansin yon. hindi rin magkukrus sa utak mo yon... wala akong
ganung kalakas na kapangyarihan para maisip mo yon. sabagay.. di naman
importante na malaman mo. mananatili lang naman akong malayo sayo.

naiinis ako, hindi na kita nakikita... oras na matiyempuhan kita...
magdala ka na lang ng maraming yelo... humanda ka! tutunawin kita!
bwahahahaha!!! >:D
_________________________
PS
mainit dito sa pilipinas, magtali ka ng buhok mo lagi.
concerned lang naman ako sayo at marami kasing nahi-heatstroke sa
ganitong panahon... :D

1 Comments:

Blogger Nette said...

oist sino toh.. naintriga ako.. wahehehe

1:15 AM  

Post a Comment

<< Home